Matuto ng clarinet. Nakikinig ang tonestro.
Ang una mong kanta sa loob ng 10 minuto. Sa sarili mong clarinet.
Mahigit 1 milyongdownload
Tumutugtog ka. Nakikinig ang tonestro.
Bawat nota, nasa tono at nasa tiyempo. Kapag pumiyok ka, maririnig iyon ng tonestro.
Matuto ng clarinet, hakbang-hakbang.
Gagabayan ka ng mga kursong gawa ng mga guro ng musika mula sa mga una mong nota hanggang sa mga una mong kanta. Marami sa mga kantang ito ay may saliw.
- Fingering chart Lahat ng fingering, nasa app na.
- Pabagalin Sanayin ang mahihirap na bahagi sa 80% o 60% ng bilis.
- Lingguhang challenge Tugtugin ang kantang tinutugtog din ng mga musikero sa buong mundo.
Hindi pa huli para magsimula.
- Hindi ka pa nakakatugtog? Magsimula sa pinakaunang mga nota mo.
- Tumugtog ka noong nasa school ka? Piliin ang kurso mo at ituloy kung saan ka huminto.
Pagsisimula sa clarinet
Ginagantimpalaan ng clarinet ang pasensiya: relaks na labi at magandang reed ang nagbibigay sa iyo ng mainit na tunog, at bahagi ng pag-aaral ang paminsan-minsang piyok. Pinakikinggan ng tonestro ang bawat nota at ipinapakita agad kung nasa tono at nasa tiyempo ito.
Magsanay nang ilang minuto, halos araw-araw. Pabagalin ang mga bahaging mahirap para sa iyo, saka bilisan hanggang sa tamang bilis.
Ang kailangan mo
- Sarili mong clarinet at ilang reed
- iPhone, iPad o Android phone na may internet connection
- Ilang minuto, halos araw-araw
Hindi lang para sa iyo. Para sa buong pamilya.
Ang Family Plan: isang subscription para sa hanggang anim na tao. Bawat isa, may sariling instrumento.
Tingnan ang Family Plan
Mga tanong tungkol sa pag-aaral ng clarinet
Puwede ba akong matuto ng clarinet bilang adult?
Oo. Nagsisimula ang tonestro sa mga una mong nota at hakbang-hakbang ang pag-aaral, sa sarili mong bilis.
May fingering chart ba?
Oo. Nasa app na ang fingering chart, kaya makikita mo ang bawat nota.
Kailangan ko bang marunong magbasa ng nota?
Hindi. Tinuturuan ka ng mga kurso na magbasa ng nota habang tumutugtog ka, at puwede mong ipakita ang pangalan ng mga nota habang nag-aaral ka.
Gaano kabilis ko matutugtog ang una kong kanta sa clarinet?
Sa unang 10 minuto mo. Tutugtog ka ng isa o dalawang nota kasabay ng isang totoong kanta at isang banda. Ilang nota lang muna, pero totoong musika na. Unti-unti, makakatugtog ka rin sa buong bilis.
Aling mga device ang puwede kong gamitin?
Puwede kang mag-aral ng clarinet sa iPhone at iPad (iOS 15 o mas bago) at sa mga Android phone (Android 8 o mas bago, hindi bababa sa 4 GB na memory). Kailangan ng tonestro ng internet connection.
Magkano ito?
Puwede mong subukan nang libre ang tonestro sa loob ng 7 araw gamit ang Yearly Plan. Ipinapakita sa iyo ng app ang presyo bago ka bumili. Kung mag-cancel ka nang hindi bababa sa 24 na oras bago matapos ang free trial, hindi ka sisingilin. Puwede mong i-cancel sa app: Profile → Settings → Manage Subscription.
Iba pang tulong
O matuto ng ibang instrumento
Ang una mong kanta, 10 minuto na lang.
7 araw na libre
